...ang aking talumpati....
just this morning, i delivered my speech in front of my classmates which is a part of our requirements in filipino... hereunder is the speech i made to honor my classmates... viva iv-SLR! hahaha!
Halos sampung buwan na ang nakakalipas at ngayo’y andito na tayo sa sitwasyon kung saan hindi natin inakalang mararating ng ganito kabilis. Marami akong ala-ala sa mga taong mananatili sa aking puso hanggang sa aking pagtanda. At halos lahat ng ala-alang ito ay naranasan ko sa inyong mga piling.
Inaamin ko na kapag iniisip ko ang aking buhay sa kolehiyo, hindi ko maalis ang takot na nadarama ko. I’ll never be able to take away the heavy feeling I’ll always have in my heart. Ang rason? Kayo, aking mga kamag-aral at mga kaibigan.
Mahal kita Gela sapagkat alam ko na andyan ka lagi sa tabi ko at handang tumulong sa akin. Salamat sa pasensya mo sa pagtuturo sa akin sa Math lalo na kung hindi ako nakakasunod sa leksyon at sa paghatid o pagsundo mo sa akin kung wala akong sasakyan. Mahal kita Chiqui dahil sa iyong “charisma” at pakikisama magmula pa noong kindergartners tayo. Kapag darating ang panahon na pipili si David Beckham mula sa ating dalawa, ipangako natin sa isa’t-isa na hindi natin ito hahayaang makasira sa ating pagkakaibigan. Salamat Gelo dahil naging tapat ka sa ating pagkakaibigan at salamat rin sa laging pagtanggap mo sa amin sa inyong tahanan at pagpapadama na parte na kami ng inyong pamilya. Mahal kita Veronica sapagkat ikaw ay totoo at sensitibo sa mga tao sa paligid mo. Pangako ko na solid parin tayo kahit na mapasaiyo na si Japoy Lizardo. Nakatatak na sa utak ko Donna na ikaw ay isang matapang na babae. Ikaw ay tunay na maganda, matalino, at mabait na tao kaya’t hayaan mo na lamang ang mga taong naiinggit at gustong sumira sa iyo. Lagi akong andito para tulungan at suportahan ka. Mahal ko kayo Kier at Myron dahil nalagpasan ninyo ang sunod-sunod na apat na taong mag-klasmeyts tayo. Ang buhay ko bilang high school student ay hindi magiging ganito ka-memorable kung wala kayong dalawa.
Para sa aking mga kasalakuyan at mga naging katabi sa sili- aralan: kay Judith, Winda, at Louie, salamat sa paggising niyo sa akin kapag malapit na ang guro sa kinauupuan ko. Salamat Arnel sa walang sawa mong pakikisabay sa akin sa pagkanta kung nasa mood ako na gamitin ang aking sintunadong boses at sa pagtago sa mga sikreto ko. Kay Roent, salamat sa lagi mong pagpapasaya at pagpapatawa. Kung kausap kita, para bang ang gaan lahat ng aking mga problema dahil sa iyong pagkakwela. Kay Renwick naman, nagpapasalamat ako sa sinabi mo noon na hindi mo kayang mainis sa akin, kahit na alam kong nagiging sobra na ang pagiging bossy ko. Alam kong hindi madali ang mga pinapagawa ko sayo kaya’t dapat mong malaman na noon pa’y mas timbang ang good traits kaysa bad traits mo. Sa inyong anim, salamat sa pagtitiis ninyo sa akin kahit na kung minsan ay childish at makulit ako.
Maraming salamat Armin sa pakikinig mo sa aking mga kuwento ukol kay Chris Tiu at pagtatama sa aking pamamaraan ng pag-upo at pagtayo kung nakikita mong pangit ang mga galaw ko. Mahal ko kayo Bea at Katya dahil ipinakita ninyo sa akin na posible talagang maging kikay at the same time matalino ang isang tao. Huwag kayong magkaila na ipakita ang inyong talento sa pagsulat dahil nakikita kong kayo’y magiging matagumpay na manunulat. Mahal kita Mia dahil sa iyong pagiging smart at masiyahing tao. Ikaw talaga ang nakakapangiti sa akin kung masama ang pakiramdam ko. Mahal ko kayo Pearl at Carol hindi lamang dahil sa inyong angking talino, kundi pati narin sa inyong sense of humor at magandang pakikisama. Humihingi ako ng paumanhin sa lagi kong panunukso sa inyo. Mahal ko kayo Charistele at Lovely dahil sa inyong pasensya. Salamat sa hindi niyo pagrereklamo kung tinatawag ko kayo para ayusin ang estilo ng buhok ko. Nagpapasalamat ako Joyce dahil hindi mo ako pinapagalitan kapag hindi ko nagagawa ang mga tungkulin ko bilang CBS officer. Proud ako dahil natitiis mo ang lahat ng utos at sermon ng moderator natin. Mahal ko kayo Gaylord at Marvin dahil sa inyong napakadaming talento. Hanggang ngayon, si Gaylord parin ang bet ko na best actor, best singer, at best dancer sa kahit anumang paligsahan samantala best in Arts at best cotillion dancer naman si Marvin. Salamat Marynell, Kaye, Jenny, at Ningning sa inyong ipinakitang kabutihan sa akin at patawad sa lahat na naging kasalanan ko sa inyo. Kay Lean, Christopher, Amon, at Clifford, alam kong maswerte ang mga babae na iniibig ninyo dahil kayo ay tunay na mapagmahal at mababait na tao. Nagpapasalamat ako sa napakabuting pakikisama ninyo sa akin. Mahal ko kayo Christian, Jennifer, Joyreina, Dianne, Ernalyn, at Christine dahil sa maraming tulong na naibigay niyo sa akin. Salamat sa pagkakaibigan at sa pagtulong niyo sa akin sa paggawa ng props para sa Intramurals noon. Mahal ko kayo Paola, Teresa, Irene, Sheena, at Bonna dahil sa inyong pagka-kalog at sense of humor. Kung kayo man ay gagawing menu, kayong lima ang makapaghahandog ng pinakamaraming variety dahil sa inyong mabuting ugali.
Kayong lahat ang tunay na nagbigay kulay sa aking buhay. Alam kong maaasahan at masasabi ko sa inyo ang bawat saya at lungkot ko without any fear that you would reject me or think of something bad about me. Sa buhay na ito, nakasama ko ang mga mabubuting tao na naging matagumpay sa pag-mold ng Golda Margareth Argel na nakikita niyo sa harap ngayon. Kayo ang aking kasama sa pagngiti, pag-iyak, pagtawa, pagmature, at paglaki.
Dahil dito, alam kong may mga kaibigan ako. Mga tunay na kaibigan na kakailanganin ko upang mabuhay, at tumagal sa mundong ito. Salamat. Dahil sa inyo, narito parin ako.